Bawat araw'y ibang araw,
Kaya ang s'werte mo ngayo'y
Magpapaalam mamaya.
Kahit agimat o anting,
May petsa na tinatamad,
Nagpapaasa sa wala.
Pangmitolohiyang bagsik,
Bukas ay p'wedeng malumpo,
Si Akiles na napana.
Ma'ari ring sa susunod
Na paggising,
ang mabati'y
Mananakop ng dalita.
Mahiwaga ang darating
Pa lamang na mga oras,
Magagawa mo'y tumaya.
Mga uso't kapalaran
Ay sadya ngang nagbabago
Hangga't tao'y nasa lupa.
Subalit may maiimpok:
Galak, pag-asa't pag-ibig,
Sa puso at sa gunita.
Thursday, August 30, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
ano to?
tae?
ang panget, burahin mo nga yan!!
jOke lng!
hi lovely...
this is ate hannah dela cruz... i dont know if u still remember me...
exchange links tayo okei? ^_^
here's mine:
http://apleasantgrace.blogspot.com
God bless you!
hoi!!!
ala bang bago sa blog mo!!
update naman!!
Post a Comment